Tax?
Siguro ilang beses ko na din nabanggit ang chain reaction pag nagmahal ang isang bagay. Against all odds pre sa ayaw at sa gusto mo pwede kang maapektuhan kahit na di mo trip nangyayari. May mga kinikilig, may mga nanlalamig, may mga nanggigigil, yung iba talagang mahahampas ka ng malakas.
Ilan sa mga konsiderasyon sa pagdedesisyon sa presyo ng mga produkto yung delivery fees. Maliban sa presyo ng raw materials at transportation cost kelangan din nilang isipin ang labor cost at corporate tax.
Isa sa mga natutunan ko noon sa engineering economy ko yung concept ng bonds. Sa natatandaan ko may mga pagpapa-utang at pag-utang na ginagawa ang mga corporation, di ko na tanda kung bakit pero kelangan daw yun para magkaron ng "flow" ang pera which is necessary daw for the economy.
Ang natatandaan ko merong para sa utang at merong ibang concept na mas natatandaan ko in a form of "shares", yung binibili sa stock market. Given na yung sirkulasyon ng pera, may ups and downs, and since gumagalaw ang value malinaw na apektado ang iba't ibang kumpanya.
Pero dun muna tayo sa part na ramdam nating lahat. Maliban sa galaw ng pera sa stock market try natin imagine ang galaw ng pera sa loob ng isang kumpanya. Noong estudyante ako pinagdesign kami ng power plant para magsupply sa isang lugar. Siyempre kelangan macompute namin kung magkano ang dapat na singil ng planta namin sa kuryente. Ilan sa mga naaalala kong factor na may malaking epekto sa cost ay ang mga sumusunod: Sahod ng empleyado, inflation rate, infrastructure, transmission, operation and maintenance, at magkano dapat ang interest para mabawi ang capital.
Walang cost for fuel yung feasibility study namin dahil alternative source of energy siya pero imagine kung may fuel ka like crude oil. Common form ng mga power plant dito sa atin yung tinatawag na steam power plant na ang source ng energy ay crude oils.
Di ko na siguro kailangang idetalye pero malinaw naman siguro na pag gumalaw ang presyo ng gasolina gagalaw din ang singil sa kuryente, at pag gumalaw ang sahod ng mga empleyado siyempre gagalaw din ang presyo ng kuryente.
Pero may isang solusyon diyan, yan ay kung pagmamay-ari ng gobyerno ang planta. Di naman need ng interest sa planta kung gugustuhin ng gobyerno ng murang kuryente, unless need ng funds, pwedeng lagyan nila ng interest yan para may additional income ang government.
Ang konsiderasyon naman sa pagdedesisyon sa presyo ng isang produkto ay ang energy consumption para gawin ito, unless gusto mo gawin ang produkto mo through manual labor which is masyadong mabagal. Siyempre konti ang output mo nun, konti ang supply mo.
Maliban sa gastos sa energy consumption isipin mo pa yung transportation cost, di naman magteteleport yang mga products mo sa mga mall o tindahan, kailangan yan ideliver. Even yung raw materials na kailangang gamitin idedeliver din yan sa planta. Pano pa pag nanghingi ng increase yung mga empleyado.
Wala akong sinasuggest dito, gusto ko lang mag inform even though alam ko naman na madaming alam naman na talaga yung mga sinabi ko dito pero I think it will be better kung magkakaron ng idea yung iba.
Siguro maganda kung alam natin kung ano ang necessity at luxury. Pinag-aaralan naman siguro ng gobyerno yan ano? Pag pinapakialaman nila ang isang industriya alam nila ang mga maaapektuhan. Kumplikado ang galaw ng ekonomiya lalo na para sa mga simpleng taong tulad natin na hindi madaling maintindihan ang konsepto.
Basta ang alam ko pag nagmahal ang energy consumption halos lahat nagmamahal din. Inspirasyon yan ng halos lahat ng industriya, parang mga paborito nating mga characters na pag nagmamahal pati tayo feeling nagmamahal na din.
May mga pagkakataon lang talaga na manggigigil ka dahil di mo na reach yung dati mong luho dahil nagmamahal na din siya. Langit ka at lupa ako. Darating ang araw hampas lupa na.






